Salik Ng Produksyon
Salik ng Produksyon
Ano-ano ang tinatawag na mga "salik ng produksiyon"?
Kung hangad ng isang lipunang matustusan ang mga pangangailangan nito, nararapat nitong mapagtanto ang ibat ibang bagay na maaaring mapagkunan ng yaman.
Ano-ano ang bagay na maaaring magdulot ng kapakinabangan sa lipunan?
Ano-ano ang halimbawa ng mga pinagkukunang-yaman?
Para sa mga ekonomista, saklaw nito ang mga salik ng produksiyon ay lupa, paggawa, at kapital.
- Lupa - ang lupa rito ay tumutukoy sa mga yamang likas o ang kaloob ng kalikasan, kabilang ang mga lupaing agrikultural at industriyal.
- Paggawa - ang paggawa ay paggamit ng lakas at kakayahan upang makapagbigay ng serbisyo o makaambag sa produksiyon.
- Kapital - ang kapital ay kinabibilangan ng mga makinarya at iba pang mga kagamitan at imprastruktura.
Ang lupa, paggawa, at kapital ay mga pinagkukunang-yaman na kailangan sa produksiyon ng kalakal (goods) at serbisyo (sevices). Ang bawat antas ng paglikha o produksiyon ay kinakailangang magkaroon ng mga salik na ito upang sumulong ang buong proseso. Ang kawalan ng mga ito ay maaaring magdulot ng pagkaantala, paghinto, o kawalan ng produksiyon.
#AnswerForTrees
#BrainlyBookSmart
Comments
Post a Comment