Anong Aral Ang Maibabahagi Mula Sa Maikling Kuwento?
Anong aral ang maibabahagi mula sa maikling kuwento?
Answer:
Anong aral ang maibabahagi mula sa maikling kuwento?
Kung papaano ang kahalagahan nang pamamahala sa paggamit ng oras
Explanation:
Ayon sa kuwentong, "Si Haria", binigyan siya ng pagkakataon ng hari na magkamal ng salapi sa pamamagitan nang pagkuha sa imbakan ng yaman ng hari hanggang sa paglubog ng araw. Nagmamadali niyang ikinuwento sa kanyang asawa at inutusan siya nitong kumuha ng ginto at mga mamahaling bato.
Sa una, ay ninais muna niyang kumain ng tanghalian bago umalis. Nang sumunod ay nagpahinga muna ito. Hapon na nito kinuha ang kanyang gamit sa palasyo. Sa kanyang paglalakad ay nagpasya muna itong magpahinga sa lilim ng puno gawa nang matinding init. Napabalikwas lamang ito upang ipagpatuloy ang kanyang paglalakbay makaraan ang dalawang oras.
Muli ay naubos ang oras nito nang manood ito sa isang lalaking nagtatanghal ng mahika. Napagsaraduhan na siya ng palasyo dahil palubog na ang araw nang itoy makarating.
Kung titignan maigi ay mapapansin na masyadong nag-aksaya ng oras si Haria. Imbes na sana ay mayaman na siya ay naging bato pa. Marahil dahil sa magkaibigan sila ay alam ng hari ang ugaling ito ni Haria.
Kung natuto lamang ito na pahalagahan ang oras ay marami na itong naiuwi na kayamanan. Kung natuto lamang ito na gamitin ang bawat minuto ay nakarating agad ito nang maaga sa imbakan. Ngunt tulad nga ng sinasabi nang nakararami, nasa huli ang pagsisisi.
Karagdagang impormasyon sa kahalagahan ng oras:
CODE: 9.24.1.12.
Comments
Post a Comment