Aling Pag-Ibig Pa Ang Hihigit Kaya, Sa Pagkadalisay At Pagkadakila, Gaya Ng Pag-Ibig Sa Sariling Lupa?, Aling Pag-Ibig Pa? Wala Na Nga, Wala., Anong E

Aling Pag-ibig pa ang hihigit kaya

Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa sariling lupa?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.
Anong elemento ng tula ang tinutukoy sa mga salitang nakasulat ng pahilig?
a. sukat
b. aliw-iw
c. tugma
d. indayog

Answer:

C. Tugma

Explanation:

Ang tugma ay tumutukoy sa pag-iisang tunog ng huling pantig ng huling salita  sa bawat taludtod sa isang taludturan. Ito ay nababatay sa bilang ng taludtod at ayos ng pagkakatugma.

Mga uri ng tugma

  1. Tugma sa Patinig
  2. Tugma sa Katinig

Mga halimbawa:

  • Tugma sa Patinig na malumanay at mabilis

"Pag-ibig anakiy aking nakilala

 Di  dapat palakihin ang bata sa saya"

  • Tugma na patinig na malumi at maragsa

"Kapagka ang tao sa sayay nagawi

minsay nalilimot ang wastong ugali"

  • Tugma sa Katinig unang lupon b,k,d,g,p,s,t

" Malungkot balikan ang taong lumipas

nang siya sa sinta ay kinapo-palad"

  • Tugma sa Katinig ikalawang lupon l,m,n,ng,r,y

" sapupo ang noo ng kaliwang kamay

ni hindi matingnan ang sikat ng araw"

Ano ba ang tula?

Ang tula ay bahagi na ng ating panitikan na nagpapahayag ng malayang pagsusulat ito ay binubuo ng mga ibat ibang mahahalagang elemento na makatutulong para paunlarin ang pananalita.

Mga anyo ng tula

  1. Blangkong berso- ito ang anyo ng tula na mayroong sukat ngunit walang tugma.
  2. Tradisyunal- ito nman ang uri ng tula na mayroong sukat at tugma,ngunit piling pili ang mga talinghaga at salita
  3. Malayang taludturan-n ito ang anyo ng tula na walang tugma at sukat pinakamodernong anyo ng panulang Pilipino ang turing dito.

Mga uri ng tula

  1. tulang pasalaysay- epiko,awit,korido,pasyon
  2. tulang liriko/damdamin- dalit soneto,elehiya,oda,awit,pastoral
  3. tulang dula/pangtanghalan- komedya,maladrama,trahedya
  4. tulang patnigan- karagatan,duplo,balagtasan

Sangkap at elemento ng tula

  1. Taludtuod- ito ang tinatawag na hanay ng tula
  2. Saknong- (taludturan) ito ang pinagsama-samang taludtod na kadalasang hanggang anim na bumubuo sa isang tula
  3. Cesura o hati- ito ay makikita sa bawat taludtod. ang natural na pagtigil sa loob ng isang talutod sang-ayon sa mga pagpapangkat ng mga salitat bigkas sa taludtod.
  4. Sukat- ito ang pagkakapare-pareho ng bilang ng pantig ng dalawa o higit pang taludtod sa isang saknong ng tula
  5. Tugma- ito naman ang pagkakapare-pareho ng  dulong tunog ng dalawa o higit pang taludtod sa isang saknong ng tula
  6. Sining o kariktan - ito ay tumutukoy sa paggamit ng mga pili,angkop na salita na kailangan staglayin ng isang tula upang maakit ang mambabasa gayon din mapukaw mapukaw ang damdamin at kawilihan.
  7. Talinhaga- ito ay tumutukoy sa paggamit ng matalinhagang pananalita at mga tayutay sa tula ito ay isang sangkap ng tula na may kinalaman sa natatagong kahulugan ng tula.

Code: 8.1.1.1.3

buksan para sa karagdagan kaalaman

mga kilalang manunulat ng tula brainly.ph/question/229331

halimbawa ng tula brainly.ph/question/386136

maikling tula na may salitang magkakatugma brainly.ph/question/145689


Comments

Popular posts from this blog

Read Through The Passage. Fill In The Blanks With Appropriate Subjects Or Verbs To Complete It. Choose Your Answers From The Box. (The World, They, Fi

What Is Definition Of 20th Century?

From The Poem "The United Fruit Co." By Pablo Neruda:, What Is The Significance Behind The Name "Banana Republics"?