Ineed To Know Anong Kahulogan Ng Agwatteknolohiya
Ineed To Know Anong kahulogan ng agwatteknolohiya
EsP 8 - MODYUL 15: AGWAT TEKNOLOHIKAL
Tunay ngang napakabilis ng pagbabago sa teknolohiya ngayon. Ano ang kahulugan ng agwat teknolohikal? Ang technological gap o agwat teknolohikal ay ang pagkakaiba ng mayroong computer at high tech na mga gamit at iyong mga wala nito; ito ang agwat sa pagitan ng mga sagana sa impormasyon at ang salat dito dahil sa pagkakaroon o kawalan ng access sa teknolohiya. Para sa karagdagang impormasyon ukol sa kahulugan ng agwat teknolohikal, maaaring pumunta sa pahinang ito: brainly.ph/question/1348302
Ang generation gap o agwat sa pagitan ng mga henerasyon ay ang pagkakaiba sa pagitan ng mga nakababata at nakatatandang henerasyon. Ang agwat teknolohikal ay unang nararanasan sa pamilya. Ang mga pagbabago sa teknolohiya, lalo na sa information technology, ay dapat na matutuhan nating gamitin bilang daan upang mapabuti ang pakikipag-ugnayan at pagsasama-sama ng mga miyembro ng pamilya.
Para sa isang kabataan, ang susi dito ay ang paggalang at pagmamahal sa mga magulang. Sa loob ng pamilya, ang paggalang at pagmamahal na ito ay pinatitingkad pa ng ating pagkalinga sa ating mga lolo at lola.
Sa labas ng pamilya, bilang mga digital natives dapat na ituring nating tulad sa ating magulang at mga kapatid ang mga tinatawag na digital immigrants; dapat natin silang pakitunguhan ng may pagmamalasakit at pagmamahal. Kadalasan, ang mga digital immigrants ay ang mga taong higit na nakatatanda sa mga digital natives.
Ang mga digital immigrants ay ang mga taong ipinanganak bago pa man naging laganap ang paggamit ng digital technology. Sila ay kabilang sa Silent Generation, Baby Boomers, at Gen X. Ang mga digital natives naman ay mga taong ipinanganak at lumaki sa mundo ng digital technology. Sila rin ay kabilang sa Generation Y at Z.
APAT NA HENERASYON
1. Silent Generation – ipinanganak at lumaking walang makabagong teknolohiya
2. Baby Boomers – ipinanganak at nagkaisip noong 1946 – 1964; sila ay may mataas na pagtingin sa sariling kakayahan; auditory at visual learners
3. Generation X – ipinanganak sa taong 1965 – 1979; tinatawag ding Martial Law Babies (Philippines)
4. Generation Y – ipinanganak sa taong 1980 – 1997; sila ang mga kabataan sa ngayon
5. Generation Z – ipinanganak sa taong 1998 pataas; nais nila na lahat ay mabilisan o instant
Ang Generation Y at Z ay kapwa tinatawag na Net Generations. Sanay silang mag multi-tasking at labis silang mainipin. Sila ay mga tactile learners o mas natututo sa paggawa o sa karanasan.
DIGITAL DIVIDE O AGWAT TEKNOLOHIKAL
Tulad ng iba pang mga pagbabago, ang pagkakaroon ng internet ay nangangahulugan ng pagbabago sa kultura at bagong wika. Habang nagiging mas nakadepende tayo sa teknolohiya upang makakuha ng impormasyon sa lipunan, dapat nating itanong kung may nalalabag bang karapatang moral dahil sa tinatawag na Digital Divide.
Maraming uri ng karapatan. Ang karapatang legal ay ang mga karapatang ginagarantiyahan sa saligang batas. Ang batas moral naman ay mga karapatan na nakabatay sa mga pamantayang etikal sa halip na sa saligang batas. Ang subsidiary moral right ay isang espesyal na karapatang moral. Binibigyang proteksiyon nito ang mga kundisyong kinakailangan upang maisulong ang karapatang moral.
Samakatuwid, ang pagkakaroon ng seguridad ay isang karapatang moral at ang pagkakaroon ng kakayahang makagamit ng telepono ay isang subsidiary o pantulong na karapatang moral. Ang access sa impormasyon ay maaari nating ituring na isang subsidiary moral right.
Hindi maikakailang mayroon ngang kasalatan sa impormasyon ang maraming mga Pilipino ngayon dahil sa kakulangan sa access sa teknolohiyang naghahatid ng impormasyon at sa sapat na kasanayan sa paggamit nito. Lalo lang pinalalaki nito ang agwat ng mga mayayaman at mahihirap sa bansa. Ang di pagkakapantay na ito ay masasabi nating isang isyung etikal kaugnay ng katarungang panlipunan o social justice.
Narito ang ilan sa mga repleksyon sa agwat teknolohikal at kung paano ito nakaaapekto sa ugnayan sa pamilya: brainly.ph/question/1410486 at brainly.ph/question/1334326
Comments
Post a Comment