Dahilan Ni Kapitan Tyago Kung Bakit Ayaw Nyang Pabalikin Si Maria Clara Sa Beateryo
Dahilan ni kapitan tyago kung bakit ayaw nyang pabalikin si Maria Clara sa beateryo
Noli Me Tangere
Kabanata 7: Suyuan sa Asotea
Ayaw ni Kapitan Tiyago na mag aral si Maria Clara sa beateryo sapagkat ang mga nag aaral sa lugar na ito ay ang mga babae na nais magmadre. Ayaw ni kapitan Tiyago na mag madre si Maria Clara sapagkat nais niya na maikasal ito kay Crisostomo Ibarra at magkaroon ng sariling pamilya balang araw. Noon pa man ay nagkaroon na si kapitan Tiyago at Don Rafael ng kasunduan na ipakakasal nila ang kanilang mga anak. Ang kasunduang ito ay bunga na rin ng kanilang pagiging matalik na magkaibigan at sosyo sa negosyo. Batid ni kapitan Tiyago na magiging mabuting kabiyak si Crisostomo kay Maria Clara sapagkat sinikap ni Don Rafael na ito ay mapag aral sa ibang bansa upang hindi siya maliitin ng mga makapangyarihang tao ng bayan ng San diego.
Batid din ni kapitan Tiyago na kapwa mahal na mahal ni Ibarra at Maria Clara ang isat isa kaya naman hindi niya hahadlangan ang mga ito kung sakaling maisip na nilang lumagay sa tahimik. Mayaman na si Ibarra at nakapagtapos ng pag aaral sapat upang maitaguyod niya si Maria Clara at ang mga magiging supling nila. Bukod dito, nagmula rin si Ibarra sa isang marangal na pamilya na pilit lamang niyuyurakan ng mga prayle.
Read more on
Comments
Post a Comment