Anong Paghahanda Ang Dapat Gawin Pagtutungtong Na Ng Kolehiyo

Anong paghahanda ang dapat gawin pagtutungtong na ng kolehiyo

 Magtatapos ka na ngayon sa sekondaryang paaralan. Nanabik ka dahil tutungtong ka na sa kolehiyo. Bagong kabanata ng iyong buhay at panibagong yugto ng pag-aaral. Ano kaya ang magandang paghahanda ang dapat gawin kapag tutungtong na ng kolehiyo?

 Ang pag-aaral sa kolehiyo ay ibang-iba sa pag-aaral ng elementarya at sekondarya. Kaya mas kailangan ang puspusang pag-aaral. Siyempre pa, bahagi ng pag-aaral sa kolehiyo ang pagpili ng kursong pag-aaralan mo. Isipin mo ngayon pa lang kung saan mas malilinang ang iyong kakayahan. Dahil dito din nakadepende ang magiging trabaho mo sa hinaharap. Halimbawa, baka mahilig ka na magsalita at magturo sa iba. Pwede mong piliin ang kursong Education. O baka naman mahilig ka sa teknolohiya. Maaari mong piliin ang mga kursong natutulad dito. Ilan lamang iyan at madami pa kaya makabubuting isipin mo ito ngayon pa lang. Paghahanda din ang pagpili ng unibersidad na pipiliin mo. Napakarami nila kaya hamon ito. Pero mas makabubuti kung magiging praktikal ka. Halimbawa, baka may malapit naman na unibersidad na malapit sa inyo. Subukan mong mag-inquire doon at magtanong.

Malakas din ang pressure at impluwensya sa kolehiyo kaya dapat na maging maingat lalo na sa pagpili ng iyong magiging kaibigan sa loob ng unibersidad. Karagdagan pa, maraming kabataan sa unibersidad ang pumipili na magkaroon ng kasintahan habang nag-aaral pa. Dapat kang maging maingat sa bagay ito para hindi masira ang magiging kinabukasan mo.

 Ang pagsasaalang-alang ng mga ito ay makatutulong para maging handa ka sa pagpasok sa kolehiyo. Huwag kang matakot! Mag-enjoy ka lang para maiwasan mo ang stress habang nag-aaral.


Comments

Popular posts from this blog

Read Through The Passage. Fill In The Blanks With Appropriate Subjects Or Verbs To Complete It. Choose Your Answers From The Box. (The World, They, Fi

What Is Definition Of 20th Century?

From The Poem "The United Fruit Co." By Pablo Neruda:, What Is The Significance Behind The Name "Banana Republics"?