Ano Ano Ang Sistemang Politikal Ng Pamahalaan Na Umiral Sa Silangan At Timog Silangang Asya?
Ano ano ang sistemang politikal ng pamahalaan na umiral sa silangan at timog silangang asya?
Mga Sistemang Politikal ng Pamahalaan na Umiral sa Silangan at Timog Silangang Asya
Monarkiya - ito ay isang sistema na pinamumunuan ng mga lider na tinatawag na mga hari o reyna, na nagmula sa mga lahi ng dugong bughaw.
- Walang Takda (Absolute Monarchy ) - Isang kapangyarihan ng Hari o Reyna na walang limitasyon. Ang bansang halimbawa na pinamumunuan ng ganitong uri ng kapangyarihan ay ang Brunei .
- Monariyang Konstitusyonal - Isang kapangyarihan ng monarko (Hari o reyna) na may limitasyon at hindi lubos. Mga halimbawang bansa ay ang Japan, Thailand, Cambodia, at Malaysia.
One Party Government - Nagiisang partido politikal ang kapangyarihang bumubuo sa bansa. Ipinagbabawal sa pamahalaang ito ang oposisyon. Ito ay sinasabing may diktaturyal na pamahalaan. Mga halimbawang bansa ay ang China, Laos, North Korea, at Vietnam.
Militar - Pinamumunuan ng mga pangkat ng matataas na opisyal ng sandatahan. Ito ay upang tugunan ang kaguluhang politikal sa bansa. Ito ay walang kinabibilangang partidong politikal at walang pinapanigan. Ang halimbawang bansa ay ang Myanmar.
Demokrasya - Taglay ang kapangyarihan ng sambayanan. Maraming representasyon (representative) para sa ibat ibang sektor ng lipunan. Dito ay umiiral ang karapatang pantao. Legal ang mga partido ng mga oposisyon at may kinikilalang proseso sa pamamaraan ng hustisya. Mga halimbawang bansang demokratiko ay ang East Timor, Indonesia, South Korea, and last but not the least ay ang Philippines.
Karagdagang kaalaman:
Comments
Post a Comment