Ano Ang Mga Pangyayari Sa Ww 1?
Ano ang mga pangyayari sa ww 1?
Pandaigdigang digmaang naganap mula 1914 hanggang 1918 na kinasangkutan ng mga makapangyarihang bansa sa mundo na noon ay napapangkat sa dalawang magkalabang alyansa: Triple Alliance at Triple Entente. Ang mga sanhi ng unang digmaang pandaigdig militarisasyon, alyansa, imperyalismo, nasyonalismo. Ito rin ay tinaguriang Dakilang Digmaan (Great War) at Total War. Sa panahong ito, kahit mga sibilyan ay pinakilos ng gobyernong naglalaban para sa pangangailangan sa digmaan. Naganap ang digmaan sa Europe at iba pang panig ng daigdig. Ito rin ang naging susi para maitatag ang League of Nations na layuning mapigilan ang mga away ng mga bansa at magkaroon ng pagkakaisa. Nagkaroon o nabuo ang ilang bagong mga bansa gaya ng Czechoslovakia at Turkey.
Comments
Post a Comment