Ano Ang Mga Ginawa Ni Don Juan At Donya Maria Blanca Upang Makatakas Kay Haring Salermo?
Ano ang mga ginawa ni don juan at donya maria blanca upang makatakas kay haring salermo?
Nang malaman ni Donya Maria Blanca ang ninanais ng kanyang ama na patayin si Don Juan nagmakaawa siya rito na huwag sasaktan ang binata ngunt buo na ang loob ng Haring Salermo sa kanyang nais kung kayat hindi niya pinakinggan ang anak. Walang ibang nagawa ang dalawa kundi ang tumakas sa kaharian ng Reyno de los Cristales dahil sa mas makapangyarihan si Donya Maria Blanca ipinag-utos nito kay Don Juan na kunin ang kabayo sa ikapitong pintuan na kanilang sasakyang upang makatakas sapagkat ito ang pinakamabilis ngunit ang nasa ikawalo ang nakuha. Gayundin dahil sa taglay na kapangyarihan ginamit ni Donya Maria Blanca ang kaniyang mahika blanca kung kayat nakaalis sila sa Reyno delos Cristal at nabigo ang kanyang ama sa balak nito dahil sa matinding galit isinumpa niya ang anak na makakalimutan siya ni Don Juan kapag nakarating na ito sa kaharian ng Berbanya.
Comments
Post a Comment